advertisement
Pinaganda na agad ni Jhoanna ang January 1 ng mga fan nang mag-post ito ng kaniyang Vietnam trip pictures. Ibinida niya sa mga picture ang ganda ng ilang tourist attraction sa Vietnam gaya ng Temple of Literature, Old Quarter, at Hoan Kiem. S'yempre, 'di nagpahuli ang face card nang 21-year-old na dalaga!
Dalawang araw matapos ang post ni Jhoanna, si Skusta Clee naman ang umarangkada sa IG post. Ipinakita niyang nagpunta rin siya Temple of Literature, Old Quarter, at Hoan Kiem—pareho sa mga lugar na pinuntahan ng P-Pop idol.
Dito nagsimulang umugong ang balitang nag-date daw ang dalawa sa ibang bansa. Dumagdag din sa pagkulo ng tsaang ito ang tila isang cryptic post ni Jhoanna sa X nooong December 31. Sa post, sinabi niyang, "2026—I choose my own happiness-without guilt, without explanation."

