Copyright ©2026 LOVE RADIO
BINI Colet, naging fangirl sa sariling birthday blowout
BINI Colet, naging fangirl sa sariling birthday blowout
September 21, 2026

Sinong mag-aakalang mamumukadkad ang Blooms sa World Trade Exchange sa Binondo para sa isang epic na Pinoy birthday party? Nitong September 14, 2026, ginawang higanteng throwback party ng Colet Fan Suporta ang ginanap na ‘Dancing in the Rain’ para sa celebration ng kaarawan ni BINI Colet!

Dinaluhan pa ito ng Blooms na literal na mula pa sa iba't ibang sulok ng Pilipinasmay mga galing pang Cebu at Davao! Yung tipong mas malayo pa ang biniyahe nila kaysa sa ex mong nang-ghost sa 'yogano’n katindi ang pagmamahal nila!

Pagpasok mo sa venue, bam! Kid zone agad ang peg. Para kang sumakay sa time machine pabalik sa 90s party: may party hats, teks, pogs, at sari-saring kendi na paborito nating utangin sa tindahan noong bata pa tayo. Hindi siyempre nawala ang pa-games! Kulang na lang mag-away-away sa Hep Hep Hooray at magkandarapa saBring Me para lang sa libreng merch at goodies. May scrapbook-making at photobooths din para sa mga ayaw mawala ang aesthetics.

Matindi rin ang lineup na personal choices pala mismo ni Colet. Mula sa Tala’t Luna na nagpainit ng entablado gamit ang kanilang energetic na set, Letters From June na binalikan ang memories nila noong nakasama nila ang BINI sa isang festival no’ng 2023, hanggang kay Dave Trinidad na nagbalik-entablado at nagpasalamat kay Colet at sa fans sa pag-udyok sa kanyang kumanta ulit. Si Colet naman ay naging ultimate fangirl din nang bigla siyang sumulpot habang nag-pe-perform si Chezka!

Pero ang nakakalurkei sa lahat ay nang umakyat na si Arthur Nery sa stage. Nagkaroon sila ni Colet ng unexpected duet na dahilan para magwala at humingi pa ng encore ang buong crowd.


Syempre, hindi mawawala ang pagkanta ng Blooms kay Colet ng Happy Birthday, at bilang ganti, nag-serenade din si Colet pabalik para sa kanyang beloved Blooms. At para sa mga ayaw pang umuwi, diretso ang saya sa matinding VIP pool party kasama si DY YLMRN!

Muli, isang maligayang kaarawan, BINI Colet!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...