advertisement
Sundan ang kuwento ni Monet dito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.
Binago ako ng pera - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Hi, DJ Titan Gelo and DJ Raqi Terra! Isa po ako sa mga masugid ninyong tagapakinig. Itago niyo na lang po 'ko sa pangalang "Monet," 39 years old, at ito ang aking Secret File. Isa akong madiskarteng babae at nasa kolehiyo pa lang ako, nagnenegosyo na ako ng kung anu-ano.
Minsan, yema, pabango, bag, at kung ano-ano pa, basta p'wedeng mabenta at maging raket, gagawin ko 'yan. Pangarap ko kasing yumaman at magkaroon ng maraming pera upang makatulong sa aking pamilya. Buong kolehiyo ko, nag-aral at rumaket lang ako. Hindi ko inisip ang mga lalaki na 'yan kumbaga, focus lang talaga ako sa aking goal.
