Bago pa man nagpakasal ang ate ko ay naging magulo ang pamilya namin dahil hindi magkasundo ang lola namin at ang biyenan ng ate ko. Kaya no'ng pumunta na siya sa Cebu ay ikinagalit ito ng kanyang biyenan. Isang gabi, nagising na lang ako na nakakarinig ng merong nagdarasal. Nakatayo ang isang matandang nakatalikod sa akin sa may altar namin sa kwarto. Nakasuot ng saya na dark brown at blusang brown. Napansin kong hindi puti ang buhok niya kun'di itim kaya napaisip ako na hindi 'yun ang lola ko dahil ang lola ko ay nasa Cebu sa sandaling iyon. Doon na ako kinabahan at natakot na para bang sasabog ang puso ko dahil mag-isa lang ako sa bahay noong mga panahong yun.
advertisement
Sundan ang kuwento ni Isabel dito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo. 
