Copyright ©2026 LOVE RADIO
“Bebot” makeup look na nauso noon, trending ulit ngayon!
“Bebot” makeup look na nauso noon, trending ulit ngayon!
February 8, 2026

Oras na para tayong mga trentahin at kuwarentahin ang makasabay sa uso, mga Kabisyo! Trending kasi ngayon sa social media ang “Bebot” makeup challenge. Gamit ang hit song na “Bebot” ng Black Eyed Peas, nag-po-post ng transition at glow-up videos ang mga magagandang Kabisyo natin.

Maraming videos ang nag-viral online dahil marami rin ang naka-relate sa throwback looks. Idagdag mo pa na bonggacious talaga ang makeup nila! Kuhang-kuha ‘yung manipis na kilay at blue na eyeshadow noon, kaya deserve na matawag na Bebot! Hahaha!

advertisement

Kahit throwback na ang look na ‘to, fresh pa rin ang dating nito sa mga Gen Z na ngayon lang nadiskubre ang pagiging “Bebot.” Ayan, puro kasi kayo clean girl! Charot with harot!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...