advertisement
Nitong nakaraan nga, eh, nagpaunang banat na ang Aegis na nagpost ng lyrics ng kantang Christmas Bonus sa kanilang Facebook Page. Sa dulo ng post, eh, may iniwan silang tanong kung gusto raw ba nating marinig mangaroling ng LIVE ang grupo!
At ang sagot namin diyan, YES NA YES!
Kaya naman marami ang natuwa nang i-post nila at opisyal na ibalita sa madla ang darating nilang concert ngayong darating na December 20 sa The Theater at Solaire!
Bukod sa 'Christmas Bonus,' eh, excited na kaming muling marinig nang live ang mga kantang 'Halik,' 'Luha,' 'Basang-basa sa ulan,' at 'Sayang na Sayang' na siyang pinasikat ng OPM Band na 'to! Kakantahin kaya nila ang mga kantang 'to?
'Yan ang mga dapat niyong abangan sa darating nilang concert! Available na ang tickets via Ticketworld kaya siguraduhin niyo nang makakabili na kayo at baka magkaubusan pa! Hahaha!
Follow niyo na ang Facebook Page ng Love Radio Manila para hindi kayo nahuhuli sa mga latest at nakakalurkei na chika!
Bandang Aegis, may hatid na Christmas Bonus ngayong darating na Kapaskuhan!
Talagang mapapa-WOW ka na lang, Kabisyo, dahil ito na ang regalo ng Aegis na pinakahihintay mo!
Dahil nga -ber months na, eh, nag-uumpisa na naman nating mapakinggan ang sikat na Christmas Songs ng mga napakagagaling na OPM artists natin! At siyempre, isa na rin diyan ang sikat na sikat tuwing Pasko na "Christmas Bonus" na kinanta ng paborito nating Aegis!
