advertisement
Sundan ang kuwento ni Mark dito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.
Bago mag-Pasko, dumanas ng trahedya ang pamilya namin - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Dear Titan Gelo and Raqi Terra, itago nyo na lang ang identity ko sa pangalang "Mark" at ito ang aking Secret File. Galing ako sa isang pamilyang hindi mayaman, pero hindi rin naman hirap. Ang kabuhayan namin ay isang negosyo; isang pwestong tindahan ng hardware accessories. Hindi ito kasinglaki ng hardware store, pero kumikita rin naman ng sakto. Sakto para tuloy-tuloy ang aming benta at sakto para sa pangangailangan ng aming pamilya.
Kami ni Papa ang mismong hands-on sa pag-ma-manage ng tindahan namin. Si Mama naman, isang full-time housewife. Ang mga kapatid ko namang babae, nag-aaral pa ng kolehiyo at 'yung iba naman, senior high. Ako lang ang lalaking anak nila Mama at Papa. Bilang panganay, ako na rin ang tumutulong sa negosyo ni Papa. Masasabi ko na ang suwerte-suwerte kong anak.
