advertisement
Sabi no’ng nag-post, “Few minutes ago lang ‘to. Ate naman, ang daming kumakain diyan sa mesa, ta’s papaupuin mo aso mo. If ikaw ung next diner, ang malas mo. Wala pang diaper ‘yung doggie niya. Jusko naman! Sana ‘yung kadugyutan iwanan sa bahay!”
Marami naman ang um-agree sa post na ito. May mga nag-comment naman na skwater daw ang ganitong klaseng furparenting at may nagsabi rin na ayaw na raw nilang mag-dine in kung ganyan.
Sumama rin naman ang netizens sa diskursong ito at ibinahagi ang kanilang parehong karanasan.
Nakakalurkei naman kasi talaga ang pangayayaring ‘yan! Mahal natin ang furbabies, pero sundin po sana natin ang tamang patakaran at etiquette. Ganurnch lang!
Aso, pinaupo ng may-ari sa ibabaw ng lamesa ng isang restaurant!
Yari na naman ang pet owners! Kuhang-kuha na naman nila ang gigil ng online world!
Nag-viral ang isang post sa forum website na Reddit kung saan makikita rito na may asong nakaupo sa lamesa ng restaurant sa loob ng isang mall.
