Copyright ©2026 LOVE RADIO
Angkol Dagol, nag-share ng steps kung paano matupad ang New Year’s resolution
Angkol Dagol, nag-share ng steps kung paano matupad ang New Year’s resolution
January 5, 2026

Paalala lang, Kabisyo—January 5 na. Baka nakakalimutan mo, ito na ’yung araw na sinabi mong “Sige, magsisimula na talaga ako!” sa New Year’s resolution mo. Kahit dapat, noong January 1 pa lang, sinimulan mo na. Aray ko! Pwede bang bumalik na lang tayo sa umpisa? Umpisa ng bakasyon? Charot with harot!

Tapos na ang maliligayang araw natin. Balik-trabaho na naman ang karamihan at siguradong ganado ’yan kasi kailangan nang bumawi sa mga ginastos noong December. Hahaha! Ngayong 2026, ano ang mga ipinangako niyo sa sarili niyong babaguhin niyo?



Kung anuman ’yan, aminin na natin: mahirap talagang panindigan. Hindi pa nga tapos ang unang buwan, may mga sumusuko na agad at tinatanggap na lang ang mapait na katotohanan. Pero, HOY! Hindi ito ang taon para sumuko. Kaya natin ’to!

advertisement

Sakto, may itinurong steps si Angkol Dagol para magbago. Pero teka… magbago nga ba ng ano? Babae? Diskarte sa pambababae? HUUUY!

Kung kami sa inyo, simulan niyo nang pag-aralan ang steps na ito. ’Pag gumana sa inyo, balitaan niyo kami. Saka namin gagawin! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...