Ilang taon na kaming nag-va-Valentine’s Day nang mag-isa, pero no’ng si Barbie Forteza ang nagsabi, naging laman ng balita? Nasaan ang hustisya?! Hahaha!
Ilang araw na nga lang ay Araw na naman ng mga OA, este, Puso. Makakakita na naman tayo ng mga magjowang naglalaro ng mahal-mahalan, maiinggit sa mga nakatanggap ng bulaklak at tsokolate, at higit sa lahat, dadami na naman ang November babies. Charot with harot!
Maliban sa 51st anniversary ng Love Radio sa February 14, ano naman kaya ang plano ng paborito niyong mga Kabisyo sa araw na ’yan?
Angkol Dagol: Sa bahay lang mag-date kasi madaming tao sa 14. Sa ibang araw na kami lalabas ni Misis para ’di matao. (Note: Wala naman pong ibang iniiwasan...)
Tanya Chinita: Manonood ng December Avenue po.
Conyo Bicolano: Magdadasal. Bye. Thanks!
Kim Chino: Ano ba ’yung Valentine’s Day na ’yan? Wala! Single ako. Kamay-kamay lang!!! Kamay ko sa manibela. Ro-road trip na lang ako.
Titan Gelo: Kung si Barbie mag-isa sa Valentine’s, ako? Mag-va-Valentine’s… sa ref. Chocolates + ice cream = forever love.
Wala pa nga kaming sinasabi, defensive na agad ’yung isa riyan! Lalo kang napaghahalataan niyan, eh. Eme! Ganyan talaga siguro ’pag tumatanda na. Wala nang pasensya makipagsiksikan at pumila sa mga pasyalan. Hahaha! Kayo ba? Paano niyo sini-celebrate ang Valentine’s Day? Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Angkol Dagol, may tinataguan nga ba kaya ayaw lumabas tuwing Valentine’s Day?
