advertisement
Tanya Chinita: Ang inspiration ko in life ay si Nanay Angge, my mom! Sobrang strong niya. Hindi siya nagpapaapi at protective siya sa kaniyang worth bilang human at babae! Pero kahit strong, mapagmahal pa rin siya sa family. Indeed, she’s a black cat, lalo kay father noong pasaway pa siya. Sorry, ‘Tay! 🐈⬛
Angkol Dagol: Marami silang inspiration–asawa ko, anak ko, mama ko, biyenan ko, hipag ko, at mga pinsan kong babae. Sila ang nagbibigay ng payo at lakas para maging ka-loyal 😉
Conyo Bicolano: Nananatiling inspirasyon sa akin ang aking nanay. Tahimik na siya ngayon sa langit, ngunit nananatiling buhay sa akin ang pagiging matatag niya para lang mapag-aral kaming magkakapatid.
Nicole Hyala: Ang OG na Kumikinang Ina, ang mama ko! Hindi man kumikinang sa OOTD, pero ang kinang niya comes from within. She is strong, resilient, and kind.
Mara Tonee: Ang aking mother. Kahit na madalas chalak nang chalak, hindi niya ako nakakalimutan paalalahanang maglinis! As a burara, need ko ng reminder na gano’n! Mas malinis na bahay, mas malinis na buhay! HAHAHAHA!
Aww! Sobrang nakaka-touch naman mabasa ang mga Supermom ng Kabisyo DJs. Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina. Siyempre, ‘di rin mawawala ang pagmamahal ng anak, pamangkin, tita, lola, biyenan, hipag, at iba pang mga babae natin. Pero hindi kasama rito ang pagmamahal ng kabit, ha! Bad ‘yun! HAHAHA! Charot! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? BASIC!
Angkol Dagol, inamin na kung sino-sino ang mga babae sa buhay niya!
Happy International Women’s Month, mga Kabisyo! Ang March ay para sa mga kumikinang ina, anak, lola, tita, frienny, at iba pang mga kumikinang na babae na minamahal ninyo. Hindi ka magiging ikaw kung walang babaeng nagluwal, humubog, at nagpangaral sa’yo. Kaya naman, deserve na deserve nilang mabigyan ng spotlight ngayong buwan!
Ang mga babaeng mahal natin ay nagsisilbing inspirasyon para patuloy tayong maging pursigido sa araw-araw nating gawain. Kagaya natin, ang mga babae sa buhay ng Love Radio DJs ay inspirasyon din nila. Curious ba kayo kung sino-sino ito? Alamin natin!
