Bembang is out. Esmiringhoy is in!
Kaka-move on pa lang ng mga millennial sa bagong kahulugan ng “bembang,” may panibagong salitang umaagaw na naman ng eksena sa social media. At ang latest na nagpapaikot-ikot sa utak ng mga netizen? Walang iba kundi ang ”esmiringhoy!”
Kaya naman pati ang paborito niyong mga Kabisyo, napatanong: “Ano na naman ’yang esmiringhoy na ’yan?!” Pero bago namin ispluk ang tunay na kahulugan nito, naisipan muna naming subukin ang kanilang creativity at imagination! Hinamon namin ang Love Radio DJs na bigyan ng sariling kahulugan ang esmiringhoy at gamitin ito sa pangungusap.
Diego Bandido: Ang esmiringhoy para sa akin, pwedeng ka-tsismisan o pagbubula ng bibig na parang alimango! “Hoy! Sino na naman ang naka-esmiringhoy mo? Hinahanap ka sa Barangay. Lagot ka kay Kapitan!
”
Titan Gelo: Para sa akin, ’yung meaning niya, maglambingan. “Sino kaya pwede ko na ma-esmiringhoy?”
Conyo Bicolano: Sa tingin ko, parang you have to play Mobile Legends, kaso sounds like Esmeralda? Feeling ko, kailangan mo munang maglaro ng ML para gets mo kasi si Esmeralda, may shield at magic damage, pero si Esmiringhoy, mukhang ibang damage ang hanap—hindi turret ang gustong pasukin! HAHAHA!
Raqi Terra: “Esmiringhoy! Gising na!”
Kim Chino: Craving ko ngayon ay ka-esmiringhoy! ’Yung magaling sa deep t...alks! Malalim na usapan about future. Road to forever, gano’n!
Mara Tonee: “Nakakapagod tumakbo. Parang esmiringhoy!”
Angkol Dagol: Masarap mag-esmeringhoy lalo na kapag umuulan at malamig ang panahon.
So, sino kaya sa kanila ang nakahula ng tunay na kahulugan ng esmiringhoy? Ah, basta! Closed lang ang mouth namin. Kung gusto niyong malaman, itanong niyo kay Evelyn. Charot with harot! Manood na lang kayo ng Tawag ng Katas sa YouTube channel namin. Maraming esmiringhoy roon! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? BASIC!

