Mga Kabisyo, ibang level na ’to!
Sinong mag-aakala na lalabas ng Spotify at aabot ng billboard ang takotawanan kasama sina Nicole Hyala at Titan Gelo?
Sa mga Kabisyo nating napadaan sa EDSA Cubao, Guadalupe, Orense, Market! Market!, at C5 at nakita ang pagmumukha ng Tambalan, hindi ’yan premonition. Silang-sila talaga ’yan!
Sa lahat ng nangdaot sa kanilang dalawa, sana kinakaya niyo ngayong napahanay na sila sa mga naggagandahan at naggugwapuhang mukha ng mga artista sa mga billboard sa pangunahing kalsada ng Metro Manila! HAHAHA!
Isang napakalaking pasasalamat sa ating streaming partner para sa bonggacious na suporta, at lalong-lalo na sa inyong lahat na hindi bumitaw mula pa noong unang araw. Sa loob lang ng napakaikling panahon, ginawa niyong totoong tahanan ng takotawanan Ang Mga Kwento ng Mahiwagang BOOrnay!
Pero teka... anong episode ang pinakanakapagpatayo ng balahibo niyo habang pinapahalakhak kayo?
Kung hindi ka pa updated, aba, ano pang hinihintay mo? Mapanaginipan ang pagmumukha ng Kumikinang Ina bago ka kumilos? EME!
Tumutok at maki-takotawanan na sa Ang Mga Kwento ng Mahiwagang BOOrnay:

