advertisement
Sundan ang kuwento ni Jenica rito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.
Ang hirap-hirap palang lumaki nang may kulang - Raqi's Secret Files
Hi, DJ Raqi at DJ Gelo. Itago niyo ako sa pangalang "Jenica" at ito ang aking Secret File. Labingpitong taon na akong nagtitiis, pasan-pasan ang bigat ng nararamdaman. Araw-araw, sinusubukan kong ipakita sa buong mundo na okay lang ako, pero sa loob-loob ko, hindi ko na alam.
Hindi ko na alam kung paano talaga magpatuloy sa buhay kasi hanggang ngayon, kahit anong gawin ko, eh, hindi ko pa rin matupad ang pangarap na dapat sana'y mangyari—'yung makasama ka at maramdaman ko na meron akong ama na nagmamahal sa akin, 'yung simpleng buhay na may kasama na nagtatanggol, nagmamahal, at nag-aalaga.
