Copyright ©2026 LOVE RADIO
AFAM daw ang makakatuluyan ni Tanya Chinita ayon kay Rudy Baldwin! |TITAMAX EPISODE 17
AFAM daw ang makakatuluyan ni Tanya Chinita ayon kay Rudy Baldwin! |TITAMAX EPISODE 17
December 4, 2025

Sinong mag-aakala na ang isang psychic reader at dream interpreter na sikat online ay may mga tinatago palang harot? HUOOYYY!!! Na-predict kaya ni Rudy Baldwin ang paglalantad niya rito sa Titamax? EMIHHH!

Isa raw ang Pambansang Titamax sa mga biggest fan ni Rudy Baldwin dahil aliw na aliw raw siya sa mga prediction na pino-post ni Madam sa kanyang social media account! Chika ni Rudy, hindi naman niya sinsadyang ganon ang mga na-po-post niya online dahil tina-type niya lang daw kung ano ang nakikita niya at the moment tapos post na agad. Ganurnt! 🤣

advertisement

Bilang hindi naman lahat ay nabibiyayaan ng ganitong gift, tinanong ni Tita Tanya kung kailan niya na-discover na may talent siyang makakita ng hinaharap! Sabi niya, as early as 3 years old ay may mga 'vision' na raw siya at na-refine niya ang talent na 'to noong mga 15 to 17 years old na raw siya. Taray! Nilinaw naman niya na ang visions na nakikita niya ay isang warning para makapaghanda ang mga taong concerned sa vision na 'yon.

Speaking of concerned people, may concern ang ating sender ngayon ng Titamax Confession dahil sa kanyang isang panaginip na medyo unusual. Tuwing magkakasakit daw siya noong bata siya, mananaginip daw siya na lumilipad siya, pero yung mga paa niya ay laging sumasayad sa lupa. 'Pag naman tumitingin naman daw siya sa baba, nakikita niya raw ang kanyang pamilya na nakatingin sa kanya, pero wala raw emosyon ang kanilang mga mukha. Over naman sa fly around! Nahirapan nga ba si Rudy Baldwin na i-decode (DECODE?!) ang panaginip na 'to? Watch mo na lang, Kabisyo! 🤪

Ang sure na hindi nahirapan si Madam Rudy ay ang sagutin ang Tough 5 Questions ni Tanya! Isa nga sa mga ito ay ang kung kailan daw mangyayari ang The Big One! Sabi ni Madam Rudy, malapit na raw at nakita niya raw na ito ay magiging mabaho. HUH? 🤣 At siyempre, sinagad na rin ni Tita Tanya ang pagkakataon! Tinanong na rin niya kung ano raw ba ang nakikita ni Madam Rudy na makakatuluyan ng ating Pambansang Titamax sa dulo. Ayon sa kanya, AFAM na daks daw ang nakikita niya. PAKAK!!! 🤭 Kung gusto mo pang malaman kung anong nilantad ni Rudy Baldwin kay Tanya Chinita, panoorin mo na ang episode na 'yan DITO:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...