Copyright ©2026 LOVE RADIO
8th HERO Golf Cup sa March 7, handa nang magbigay ng tulong at saya!
8th HERO Golf Cup sa March 7, handa nang magbigay ng tulong at saya!
March 3, 2025

G na G na ang lahat para sa bonggacious na HERO Golf Cup! Magaganap na ang pasabog na ikapitong edisyon nito ngayong Biyernes sa Camp Aguinaldo Golf Course.

P3,500 lang ang ticket, kasama na ang green fee, registration fee, lunch, at raffle entry! Ang tee-off naman ay magsisimula naman mula 6 AM hanggang 9 AM, kaya gumora nang maaga!

advertisement

Itong golf tournament ay hindi basta-basta dahil isa rin itong charity event! Inorganisa ito ng HERO (Help Educate and Rear Orphans) Foundation, Inc., at ang mga malilikom ay mapupunta sa edukasyon ng mga naulilang anak at dependent siblings ng mga magigiting nating sundalo na nasawi o hindi na makabalik sa serbisyo.

Tara na, mga Kabisyo! Maglaro tayo para sa isang magandang layunin! May chance ka pang manalo ng trophies at raffle prizes!

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang HERO Foundation Inc sa Facebook o tawagan ang 8912-0361 o 09306991819.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...