Copyright ©2026 LOVE RADIO
11 ASEAN Member States at ASEAN partner countries, magsasama-sama sa isang immersive exhibition sa Manila sa November 10-12, 2026
11 ASEAN Member States at ASEAN partner countries, magsasama-sama sa isang immersive exhibition sa Manila sa November 10-12, 2026
October 1, 2026

Magiging sentro ng kultura, craftsmanship, at negosyo mula sa iba’t ibang bansa sa ASEAN at Southeast Asia partners ang “Way of the Weave!” Ito ang theme ng ASEAN Trade Expo 2026 na gaganapin sa Okada Manila mula November 10 hanggang 12, 2026. Isa ito sa mga bonggacious flagship event ng Pilipinas bilang ASEAN Chair ngayong taon!

Sa loob ng tatlong araw, magsasama-sama sa Manila ang mga artisan, women entrepreneurs, cultural industry groups, buyers, investors, at government leaders para maipakita ang mga tradisyon at kultura ng bawat bansa. Siyempre, paraan din ito para makilala sila sa market at makahanap ng mga bagong business opportunities.

advertisement

Expected nila na mahigit 200 women-led enterprises at cultural industry participants mula sa ASEAN ang makikibahagi sa expo! Kasama rin dito ang international buyers, investors, trade ministers, at iba pang regional decision-makers.

Kaagapay ng kultura ang negosyo

Siguradong may sariling country booth ang bawat ASEAN member at mga Southeast Asian partner countries. Dito nila maipapakita ang kanilang mga produkto at negosyo na kumakatawan sa kanilang kultura, creativity, at economic potential. Sa ngayon, kabilang sa nangunguna sa country booth exhibition ang Pilipinas at Singapore, na parehong may 24-square-meter na full country setting.

Libreng-libre makakita ng iba’t ibang textiles, traditional weaving, handicrafts, cultural products, local goods, at mga produkto mula sa women-led enterprises ang mga bisita. Pasabog talaga!

Tampok sa Philippine Booth ang kuwentong inilahad gamit ang paghahabi

Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang tradisyon ng paghahabi na naipapasa na sa maraming henerasyon. Bawat isa ay may sariling kwento pagdating sa kulay, technique, identity, at komunidad.

Sa Philippine showcase, bidang-bida ang ilan sa mga pinakamahusay na weave mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang mga nanalo sa Amazing Weaves Distinction Awards 2026, kasama ang iba pang handicrafts at produkto na nagpapakita ng galing at creativity ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga showcase ang T’nalak ng T’boli, Yakan ng Basilan, at Inabel ng Ilocos, pati na rin ang iba’t ibang weaving traditions mula Luzon, Visayas, Mindanao, at BARMM.

Isa rin sa highlights ang Aklan piña, isang kilalang handloom weaving tradition na kinilala ng UNESCO bilang bahagi ng intangible cultural heritage.

Higit pa sa pagiging magandang display ang mga produktong ito, bitbit ng bawat weave ang kaalamang ipinasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod, pati na rin ang kuwento ng mga komunidad na umaasa sa kanilang craftsmanship bilang kabuhayan. Nakaka-inspire, ‘no?

May mga negosyo kasing nagsimula sa community lang, pero ngayon, unti-unti na silang nakakarating sa international market! Ito ang gustong ipakita ng Philippine booth sa ASEAN stage—na ang cultural heritage ay hindi lang bahagi ng ating identity, maaari rin itong maging daan para sa mas maraming economic opportunities.

Mula sa mga winner ng Amazing Weaves Distinction Awards 2026 ang bida sa Philippine showcase booth. Kasama sa programang ito ang Women’s Business Council Philippines, GalingPook Foundation, Department of Trade and Industry, Philippine Commission on Women, DOST-Philippine Textile Research Institute, at TESDA.

Isang kinabukasang sama-samang hinahabi

Sa kabuuan, ang Way of the Weave: ASEAN Trade Expo 2026 ay hindi lang tungkol sa trade exhibition. Layunin nitong maging lugar kung saan nagkikita ang iba’t ibang kultura, negosyo, at opportunities mula sa ASEAN para mas mapalakas ang connections ng mga bansa.

Strong, independent, women entrepreneurs ang nangunguna rito!

Kasama si PCW Commissioner Rosemarie Rafael, concurrent Chairperson at Founder ng Airspeed Group of Companies.

Co-Chair Myrna Yao, CEO ng Richprime Global Inc. at concurrent PCW Commissioner.

Dr. Karen De Asis, isang 2025 ASEAN Women Entrepreneur (AWEN) awardee at founder ng MKS Marketing Consulting.

Kinakatawan ni De Asis ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang advocacy na tulungan ang family businesses na mapaunlad ang kanilang mga negosyo at makabuo ng matatatag na brands na maaaring manatiling competitive at maging market leaders o challengers sa kanilang industriya sa paglipas ng mga henerasyon.

Inaanyayahan ng ASEAN Trade Expo 2026 ang mga ASEAN member countries na ipakita ang kanilang sariling weaving traditions, habang bukas din ito sa local at international visitors na gustong makilala ang mga produkto, kwento, at opportunities mula sa rehiyon.

Libre ang visitor registration, at magkakaroon din ng business matching para sa mga interesadong sumali.

Higit pa sa isang exhibition, gusto rin ng Way of the Weave na ipakita kung paano mas mapapalakas ang ASEAN kapag pinagsama-sama ang kultura, negosyo, heritage, at mga pangarap ng mga tao sa rehiyon—isang ASEAN na mas connected at mas bukas sa mundo.

Ang Way of the Weave: ASEAN Trade Expo 2026 ay in-organize kasama ang WomenBizPH, ang Philippine Country Local Organization ng ASEAN Women Entrepreneurs’ Network sa ilalim ng ASEAN-BAC Philippines.

Para sa partnership, exhibition, at event inquiries, maaaring makipag-ugnayan sa ASEAN Trade Expo 2026 Secretariat sa [email protected] or [email protected], or via phone at +63 917 126 3211. Available pa ang ibang impormasiyon sa www.womenbiz.ph.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...