Cross Dress Challenge ng Love Radio Manila DJs
June 29, 2022








Noong nakaraang Feel Good Challenge ay kumasa ang Love Radio DJs sa Crossdress Challenge at kaniya-kaniya silang pakulo sa pagsusuot ng kanilang mga damit. Si Papa Kadyot ata kumuha pa ng daster mula sa asawa niya habang si Tanya Chinita naman ay umastang barangay tanod. Ang Tambalan naman ay naghiraman yata ng damit. Samantalang Hip-Hop naman ang attire ni DJ Robin Sienna. ‘Yung suot naman ni Raqi Terra ay basketball jersey pero hindi na naman sasabihin kung kanino nanggaling pero ang pinakamalupit sa lahat ay ang suot ng Team EDSA! Talagang nakakahumaling at nakakatindig balahibo na makita si Totoy Bato at Diego Bandido na naka-daster. Hahaha!
Comments