Walang Work-Life Balance – Mahiwagang Burnay

September 16, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Regine para ibahagi ang kaniyang sama ng loob.

Twenty years nang office-worker si Regine. Kahit mabait at pasensyoso siya, hindi niya maiwasang mapuno sa mga nangyayari sa opisina. Hindi naman siya makapag-reklamo sa takot na mawalan ng trabaho o ‘di kaya’y hindi madagdagan ang sweldo.

Para umano siyang isang robot na naka-autopilot pumasok araw-araw para sa mga bayarin. Hindi rin sapat ang kinikita ng asawa at nagpapadala pa ito sa pamilya.

40 years old na si Regine at gusto niya sanang magkaroon ng isa pang anak pero ayaw na ng asawa niya. Nalulungkot si Regine dahil kahit may bahay at kotse ay wala silang quality of life dahil puro na lang sila trabaho. Nakakaramdam siya ng inggit sa mga dating kaklaseng full-time housewife.

Paano kaya siya imo-motivate ng Tambalan? Tunghayan ang buong kwento rito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.