Walang sakripisyo ang ‘di kayang gawin para sa minamahal – Mahiwagang Burnay

July 29, 2019

Ano kayang feeling kapag nakakagawa ka ng kabutihan out of sacrifice? ‘Yung nag-sakripisyo ka para sa iyong minamahal?

Maraming forms ng pagsasakripisyo pero kakaiba ang sakripisyo ng letter sender ngayong araw na ito. Galing na nga sila sa hirap ng buhay at umasenso kahit papaano matapos maka-graduate ang lahat at makapag-trabaho. Pero mukhang hindi titigil ang pagsubok sa pagdating nito: bigla namang nagkasakit ang kanilang ina at nangangailangan ito ng kidney transplant.

Sa sobrang pagmamahal ng letter sender sa kanyang nanay ay nag-volunteer pa ito para mag-donate ng kanyang kidney para dito. Napaka-precious ng 14 years na lumipas dahil nadugtungan ng 14 years ang buhay ng nanay nila dahil sa 14 years niyang sakripisyo na isa lang ang kidney sa katawan.

Ikaw, ano ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.