In His Time – Mahiwagang Burnay May 11, 2023 Iginapang ng Tambalanista nating si Engr. JV ang kolehiyo para makapagtapos nang pag-aaral at maipasa ang board exam. Php 11,000 lamang ang suweldo niya sa unang trabaho kaya napilitan siyang magtrabaho sa Singapore. Nagkaroon naman siya ng problema sa project manager dahil hapon na ito kung pumasok, kaya madaling araw na siya natatapos magtrabaho. Natanggal siya sa kumpanya makalipas ang sampung taon. Inihanap naman siya ng panibagong employer, pero matapos ang dalawang taon ay do’n na rin nagtrabaho ang dati niyang project manager. Uuwi siya dapat ng Pilipinas, pero dumating ang permanent residency niya sa Australia. Nakatakda siyang lumipad sa June para sa mas magandang kinabukasan at matustusan ang responsibilidad sa pamilya. Alamin ang buong kuwento mula kina Chris Tsuper at Nicole Hyala rito sa Mahiwagang Burnay. Comments Recommended Videos Dadaan tayo sa hirap para makuha ang pangarap – Mahiwagang Burnay Hindi ko talaga kaya ang hindi mag-aral – Mahiwagang Burnay Honor Your Parents – Mahiwagang Burnay
Iginapang ng Tambalanista nating si Engr. JV ang kolehiyo para makapagtapos nang pag-aaral at maipasa ang board exam. Php 11,000 lamang ang suweldo niya sa unang trabaho kaya napilitan siyang magtrabaho sa Singapore. Nagkaroon naman siya ng problema sa project manager dahil hapon na ito kung pumasok, kaya madaling araw na siya natatapos magtrabaho. Natanggal siya sa kumpanya makalipas ang sampung taon. Inihanap naman siya ng panibagong employer, pero matapos ang dalawang taon ay do’n na rin nagtrabaho ang dati niyang project manager. Uuwi siya dapat ng Pilipinas, pero dumating ang permanent residency niya sa Australia. Nakatakda siyang lumipad sa June para sa mas magandang kinabukasan at matustusan ang responsibilidad sa pamilya. Alamin ang buong kuwento mula kina Chris Tsuper at Nicole Hyala rito sa Mahiwagang Burnay.