Sweet Pero Walang Label – Mahiwagang Burnay

September 15, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Andres para ibahagi ang pinagdaraanang heartbreak.

Secret chatmate ni Andres ang isang kaklase. Masaya siya at iba ang pakiramdam sa tuwing kausap ito. Hindi nagtagal, umaming may gusto ito sa kaniya. Pero aniya, hindi pa raw ito handang pumasok sa isang relasyon.

Inintindi ito ni Andres at nagpatuloy ang kanilang sweetness kahit na walang label. “Baby” kung tawagin niya ito, habang “Kuya” naman ang tawag sa kaniya.

Makalipas ang isang buwan, nag-chat sa kaniya ang kaklase dahil may sasabihin daw ito. Akala ni Andres ito na ang pinakahihintay niya. ‘Yun pala, “taken” na ito ng iba.

Masakit para kay Andres ang nangyari dahil pakiramdam niya pinag-praktisan lang siya nito. Nagbago rin agad ang pakikitungo sa kaniya ng dating ka-chat kaya’t nag-desisyon siyang burahin na ang conversation nila.

Ano kaya ang masasabi ni Nicole Hyala at Chris Tsuper sa 20-year old na Tamabalanista? Tutok na dito sa Mahiwagang Burnay. 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.