Stuck – Mahiwagang Burnay

September 22, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Kate dahil naguguluhan siya kung mananatili pa ba sa poder ng pamilya o aalis na.

Almost 35 years old na si Kate. Single, only child, and an adopted one. Mabuting mga magulang naman daw ang kinalakihan niya pero controlling ang mga ito.

Naranasan niya ang ma-bully dahil sa pagiging adopted. Kaya’t napagdesisyunan niya noong mag-aral sa malayo at tumira sa lugar na walang nakakakilala sa kanya para lang maging malaya.

Bago mag-pandemic, kinailangan niyang umuwi sa probinsya. Pakiramdam niya na-stuck siya lalo pa noong nag-lock down. Sa ngayon, siya na ang namamahala sa family business pero iba ito sa plano niya para sa sarili.

Hindi niya maiwan ang mga magulang dahil nasa 70s na ang mga ito at may heart condition naman ang Nanay niya.

Selfish at ungrateful nga ba siya kung pipiliin niya ang sarili niya? Makinig sa naging payo ni Nicole Hyala at Chris Tsuper dito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.