Singsing – Mahiwagang Burnay

November 7, 2022

 

Sumulat ang Tambalanista nating si Lerma upang ibahagi ang hindi malilimutang karanasan niya sa trabaho.

Nag-trabaho siya bilang isang stock clerk sa isang department store sa Cebu. Isang araw, nakakita siya ng naiwang sling bag sa loob ng fitting room na agad niyang ibinalik sa customer service counter.

Ipinatawag siyang muli sa customer service kung saan nando’n na ang customer na galing raw umano sa isang ma-impluwensiyang pamilya. Galit ito dahil nawawala raw ang dalawang singsing na nasa bag. Hinalughog ang stockroom na pinaglalagian ni Lerma ngunit wala silang nakita. Nagbanta naman ang customer na kakasuhan si Lerma.

Alamin ang sumunod na pangyayari mula kina Nicole Hyala at Chris Tsuper dito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.