Sangkap ng diskarte sa buhay: bentsinko at tuyo

August 7, 2018

Hinding hindi mawawala ang kasabihan nating mga Pilipino na “Kapag may tiyaga, may nilaga.” Totoong totoo ‘yan lalong lalo na sa kwento ng naghatid ng Mahiwagang Burnay ngayon.

Kapag nasa rurok na tayo ng tagumpay, ‘yung iba ay parang hirap na hirap balik-balikan ang istorya ng paghihirap noong nakaraan. Pero iba ang kwento ngayon, para ang sarap niyang binalikan ang mga paghihirap. Hinarap niya ang paghihirap, nilampasan niya ang mga paghihirap nang may positibong pananaw sa buhay. Marahil, naging inspirasyon ang kahirapan ng buhay para lalong magsumikap tungo sa tagumpay.

Ito ‘yung istorya na mag-push sana sa atin araw araw. Hindi lang ikaw ang nahihirapan, hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan. Ang lahat ng ating pinagdadaanan ay nakasalalay lamang kung paano natin ito titingnan at sosolusyonan.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.