Sana pwede akong bumawi sa mga apo ko – Mahiwagang Burnay

April 10, 2019

Isang bisexual si Allan, aminado naman siya sa bagay na iyon. 20 years na rin siyang hiwalay sa kanyang asawa at mayroong dalawang anak.

Maayos naman daw ang naging pagpapalaki ni Allan sa kanyang mga anak pero ang hindi niya lubos maunawaan ay kung bakit hindi nahilig sa mga ito ang pag-aaral nang mabuti.

Isa pa sa mga naging frustrations niya ay ng mag-asawa nang maaga ang dalawa niyang anak. Nag-asawa na, sabay pa.

Dahil dito, naisip niya na ang hirap mag-isa. Mahirap ang nag-iisa. Pero may high hopes pa rin siya na magkakaroon pa rin ng pagkakataon na ‘yung mga apo naman niya ang magpapasaya sa kanya.

May high hopes din si Allan na magkakaroon pa rin ng isang taong magmamahal sa kanya. For the mean time, mamahalin niya muna ang mga gunting na pang-hanapbuhay niya na sure na hindi siya iiwan.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.