Patuloy na umahon at magsikap – Mahiwagang Burnay

October 12, 2020

Kabisyo, kumusta ang hamon ng COVID-19 pandemic sa buhay mo, sa pamilya mo?

Kung tutuusin, walang mayaman o mahirap sa pandemyang nararanasan natin. Kung bigtime ka, ramdam mo rin naman ang epekto. Ang kaibahan mo nga lang mga sa mga nahihirap eh, wala na silang makain, ikaw ay nakakagala at nakakakain pa.

Pero ibang hirap ang dinanas ng ating letter sender ngayon. Lahat ng ipon niya, naubos. Nawalan siya ng trabaho. Namatayan siya ng mga magulang  matapos ang magasto na gamutan nila.

Ang hamon sa atin, kahit na maraming pagsubok ang dumarating, patuloy tayong tumayo at magsikap nang magsikap. Masaklap man ang buhay dahil sa ang problema ay pumapatong pa sa isa pang problema, may araw at makakaraos din tayo. Tiwala lang.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.