Pagtanggap tungo sa paglaya – Mahiwagang Burnay

February 2, 2022

“The love that we have, it faded over time.”

Sinimulan ng ating letter sender ang kanyang liham sa mga linyang “Masama ang gising ko today.” Pero sa pagdaloy ng kanyang kwento, hindi lang pala noong umagang iyon na masama ang nagiging gising. Halos araw araw pala.

Ganito ang pakiramdam kapag may bagay na bumabagabag sa atin. Hindi tayo makakain. Hindi tayo makatulog. Hindi tayo makausap nang maayos. Hindi tayo normal na tao. Bakit? Because there’s something within us na nagsasabi na “hindi ikaw ito,” “tanggapin mo na ang bagay na ito, wala ka nang magagawa.”

Sana ‘yung lessons na nakuha ng ating letter sender sa mahabang panahon na walang pagtanggap sa mga bagay bagay na hindi niya maunawaan, sana agapan na natin sa buhay natin habang may oras pa. Alam naman natin ang dapat gawin eh, hindi lang natin ginagawa. Oks ba ‘yun, Kabisyo?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.