Nauna na ang aking mahal – Mahiwagang Burnay

October 7, 2020

Ano nga ba ‘yung pakiramdam ng mawalan ng minamahal? Hindi ito ‘yung pangkaraniwang iniwan ka lamang, bagkus ay nauna na siyang namayapa sa’yo.

Malamang hindi naman natin ma-describe ang feeling hangga’t hindi natin ito nararanasan. Para bang nanood ka lang ng teleserye pero hindi ka na-satisfy. Mahirap i-explain dahil wala na siya sa pang-habang buhay. Mahirap i-explain dahil masakit. Mahirap i-explain dahil sariwa pa.

Tama ‘yung sinasabi ng letter sender. ‘Yung hinahalikan mo siya dati at init ng pagmamahal ang nararamdaman mo. Pero kapag wala na siya, hahalikan mo siya at nanlalamig na niyang katawan ang nararamdaman mo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.