Mula sa pagiging saling pusa, ngayon ay 3-degree holder na – Mahiwagang Burnay

March 4, 2019

Tunay nga namang nakakawala ng pagod ang tagumpay. Lalo nang nakakawala ng kahit anong dusa kapag ang tagumpay ay tagumpay ng iyong mahal sa buhay.

Matatapos din ang paghihirap na ito. ‘Yan ang laging sinasabi ng ating letter sender ngayon. Kaya naman ang bawat paghihirap ay kanyang tina-tiyaga para lamang sa tagumpay na inaasam-asam. Walang hirap sa bulsa o hirap sa katawan ang kanyang inireklamo dahil sa gusto niyang marating sa buhay.

Dati ay saling “cat-cat” lamang sa classroom ngayon ay 3-degree holder na dahil sa tiyaga at husay na ibinigay niya sa pag-aaral at pagsunod sa magulang.

Wala namang masama kung galing sa hirap basta’t pinagsusumikapan ay walang imposibleng ‘di kayang gawin.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.