Love Wins – Mahiwagang Burnay

November 15, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Sam para ibahagi ang kanyang karanasan sa pag-ibig.

Bata pa lang daw, pangarap niya nang magkaroon ng anak. Pero minsan, mapagbiro talaga ang tadhana at na-inlove siya kay Alexa. Nai-plano na nila ang future nilang dalawa. Kaya lang, kahit tatlong taon na silang magka-relasyon ay hindi niya pa rin ito naipapakilala sa mga magulang niya.

Taong 2018 nang ma-assign si Alexa sa Cebu. Naiwan naman siya sa Laguna para mamahala sa restaurant ng Mama niya. Doon niya nakilala si Alvin na nagpanumbalik umano ng pangarap niyang magka-anak. Nahuli siya ni Alexa at nakipaghiwalay ito sa kanya. 

Dalawang taon nang kasal noon si Sam at Alvin pero hindi pa rin daw sila nagkaka-baby. Isang araw, umuwi ito nang lasing, humingi ng tawad, at nakipaghiwalay dahil itinago nito ang katotohanang baog siya.

Paano na kaya ang pinapangarap ni Sam na pamilya? Alamin ang kasunod ng kwento mula kina Nicole Hyala at Chris Tsuper dito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.