Longing – Mahiwagang Burnay

November 29, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Ken para humingi ng payo sa sitwasyon nila ng 7-year girlfriend niya.

Tatlong taon na raw walang nangyayari sa kanila. Kinausap niya ito pero wala naman daw umano itong iba. Ang masaklap, hindi na rin sila nagtatabi sa pagtulog.

Nagkaka-anxiety si Ken dahil aktibo naman sila sa unang apat na taon ng kanilang relasyon. Almost perfect daw ang girlfriend niyang si Jane. Pero sexual na tao si Ken at physical touch ang love language niya.

Dapat niya na nga bang iwan ang girlfriend na hindi maibigay ang sexual needs niya? Alamin ang payo nina Chris Tsuper at Nicole Hyala rito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.