Lihim ni Mama – Mahiwagang Burnay

September 19, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Arci para humingi ng payo kung paano pag-aayusin ang kaniyang mga magulang.

Sa kabila ng pagiging relihiyosong pamilya, na-diskubre ni Arci na may ibang lalaki ang Mama niya. Natakot siyang komprontahin ito dahil baka masira ang kanilang pagsasama.

Dahil dito, nagawa niyang mag-rebelde ngunit lalo niyang naramdaman ang taas ng expectations sa kanilang pamilya nang ma-ordain bilang pastor ang Papa niya.

Nagpaalam ang Mama niya na uuwi muna ng probinsya pero makalipas ang tatlong buwan, hindi na nila ito ma-contact. Matagal na umanong itong nakabalik sa Maynila at sumama sa ibang lalaki.

Muling nagparamdam ang Mama niya at sinabing nasa Pasig ito nagta-trabaho bilang kasambahay. Sinundo naman ito ng Papa para pabalikin sa kanila.

Masakit para kay Arci na makita ang Papa niyang umiinom ng alak mag-isa, umiiyak, at kinukwestyon ang sarili kung saan ito nagkulang.

Paano kaya haharapin ni Nicole Hyala at Chris Tsuper ang mabigat na kwentong ito? Pakinggan dito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.