Isang LGBT sa religious family – Mahiwagang Burnay

November 6, 2020

Mabigat nga naman sa kalooban kung ang mismong pamilya mo ang siyang hindi pa makakaunawa sa realidad ng buhay na nais mo. Isa pa ay relihiyon pa ang naging hadlang para maging bukas ito sa pamilya.

Well, may mga ganyan nga namang mga magulang, at kung minsan ay hindi lamang magulang kundi ang buong pamilya. Umiikot na ‘yung utak mo, ‘yung isip mo kung bakit ba hindi ka nila matanggap at kung kailan ka ba nila matatanggap.

‘Di ba ironic din kung minsan, na ang mga itinuturo ng mga relihiyon ay ang biyayang kaloob ng Diyos, ‘yung pagtanggap sa kapwa tao at sa malalim na pakahulugan ay ‘yung pag-ibig ng tao sa kanyang kapwa.

Ironic talaga na hindi matagpuan ng mga katulad ng ating letter sender ang pagtanggap sa mga nagtuturo nito, pati na sa mga tumatanggap at nag-a-absorb ng mga turo ng Bibliya sa ating pamilya.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.