Ikaw lang ang “Bibiko” – Mahiwagang Burnay

December 7, 2020

Ang ating letter sender ay isang beki.

Nagsimula siya bilang isang pang-karaniwang batang lalaki. Nalaro niya lahat. Nagawa nya ang lahat. Naranasan niya ang lahat. Nalaglag siya sa sapa. Nakagat din siya ng aso. Nasugatan. Nasaktan. Napalo at napagalitan ng magulang. Makulay talaga ang kabataan niya. Normal na buhay ng mga kabataan.

Pero ang buhay ng batang kalsada na ito ay lalong mas naging makulay dahil sa pagkakakilala niya sa naging bestfriend niya. Pero ang pagkakaibigan ay naging pag-ibig na para sa kanya.

Sa kabila ng lahat,  tanggap niya naman talaga na hindi magiging sila. Tanggap niya rin naman na hanggang sariling kilig at sariling pagtawag lang ng ‘bibiko’ ang magagawa niya. Pero sana noh, ‘yung mga katulad niya ay kaya rin natin tanggapin ng 100% sa lipunan.

 

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.