Honor Your Parents – Mahiwagang Burnay

September 21, 2022

Sumulat ang Tambalanista nating si Potpot para humingi ng payo tungkol sa kaniyang mga kapatid na tila nakalimot na sa kanilang mga magulang.

Mahirap ang pamilya ni Potpot kaya ngayong nagtatrabaho na siya, sinisiguro niyang na-i-she-share niya ang blessings na natatanggap niya. Hindi tulad ng mga kapatid niya na walang kusang magbigay sa mga magulang porket may sariling pamilya na.

Hindi naman umano perpekto ang mga magulang niya at kung minsan ay nagkakatampuhan sila. Ramdam niyang kulang sa pagmamahal at atensyon ang mga magulang t’wing kausap ito.

Dapat nga ba niyang sabihan ang mga kapatid na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga magulang nila? Sasagutin ‘yan ni Nicole Hyala at Chris Tsuper dito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.