Hindi ko bet noon, asawa ko na ngayon – Mahiwagang Burnay

February 4, 2022

“Yung taong hindi ko bet noon, asawa ko na ngayon.”

Malamang, halos lahat sa atin, may experience sa pag-ibig na ‘yung unang taong nakatagpo natin ay hindi natin bet. Bakit hindi natin bet? Dahil sa hindi pasok sa ating standards, hindi pasok dun sa mga gusto nating mangyari.

Ang ating letter sender ngayon, marami siyang standards, marami siayng gusto sa kanyang mapapangasawa. Kung titingnan, gusto niya raw ay Pranses, taga-France! Wow, bongga ‘di ba? Pero ang ending, doon pala siya babagsak kay tall, dark, and handsome.

So, anong moral lesson? Sabi ng Tambalan, hintaying umano ang signs and blessings ni Lord pagdating sa paghahanap at paghihintay ng iibigin. Tapos biglang sabi din nung dalawa na landi lang nang landi habang may buhay! HAHAHA! Confusing ‘di ba?! May perfect time sa lahat ng bagay, Kabisyo.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.