Gaslighted – Mahiwagang Burnay

May 25, 2023

Magkababata ang Tambalanista nating si Celine at ang boyfriend niyang si Carlo, pero sinagot niya lamang ito noong ikalawang beses nitong manligaw at parehas na silang nagtatrabaho.
Hindi sila madalas magkita at hindi siya pumayag na may mangyari sa kanila, kaya iniwan siya nito at nagkaroon ng bagong girlfriend. Nakipagbalikan ito sa kaniya at niyaya siyang magpakasal, pero bigla itong nawala matapos ang ilang buwan.
Matapos ang ilang taong pag-mu-move on, muli na namang nagparamdam sa kaniya si Carlo at binalikan niya pa rin ito. Inakala niyang sila na talaga para sa isa’t isa, pero naging magagalitin daw ito at na-bo-bore sa kaniya.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.