Dalawang taong walang Visita Iglesia – Mahiwagang Burnay

March 30, 2021

Isa siguro sa mga hagupit na ginawa sa atin ng pandemya ay ‘yung katotohanang hindi tayo makapagdaos ng Semana Santa na kasama ang mga tao sa komunidad.

Sa ikalawang pagkakataon, hindi tayo makapunta ng mga Simbahan. Hindi tayo makapag-simba nang pisikal. Hindi tayo payagang magtipon nang sama-sama dahil sa peligro ng malawakang hawahan.

Pero sa kabila nito, ano ba ‘yung response natin? Mananatili na lang ba tayong walang ginagawa? Hindi man tayo makapunta ng mga Simbahan ngayong taong ito ay patuloy ‘yung hamon sa atin na magdasal at kumalinga sa mga nangangailangan.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.