Apartment – Mahiwagang Burnay

November 3, 2022

 

Sumulat ang Tambalanista nating si Ines para ibahagi ang nakakaloka niyang karanasan.

Nag-enroll sa isang art school sa Baguio si Ines. Naghanap siya ng malapit na mauupahan dahil nasa tatlong oras ang layo ng eskwelahan sa bahay nila.

Kakaiba na agad ang pakiramdam niya unang tapak pa lamang sa apartment. Parang madilim ang awra at mabigat ang hangin sa paligid pero hindi niya ito pinansin. Hindi nagtagal, nagsimula na rin siyang makaranas ng mga kababalaghan tulad ng kalansing, kalmot sa dingding, lalaking nakalutang, at iba pa.

Kinausap niya ang landlord at nalaman niyang dati raw umanong ritual ground ng isang kulto ang inuupahan niya. Sa ngayon, ipinapatawas niya ang apartment at nanunuluyan muna sa bahay ng kaklase.

Dapat pa nga ba siyang bumalik sa inuupahan? Alamin ang reaksyon nina Nicole Hyala at Chris Tsuper dito sa Mahiwagang Burnay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies... Find out more here.