Ang buhay ay parang gulong ng palad – Mahiwagang Burnay

December 2, 2020

Marami tayong wish kay Lord. Sana magka-trabaho. Sana maging maunlad ang buhay. Sana maging tagumpay sa buhay. Sana ganito, sana ganyan.

Masarap nga naman sa pakiramdam kapag ang wishes natin ay natutupad. Pero sa kabila ng pagkakatupad ng ating mga wish ay ‘yung katotohanang ang buhay natin ay hindi laging maganda. Sa kabila ng kaliwa’t kanang wish natin ay mapupunta talaga tayo sa yugto ng buhay natin na nasa kahirapan tayo.

Minsan na sa ibabaw ng tagumpay, minsan nasa ilalim ng paghihirap. Ganyang ang realidad ng buhay natin. ‘Yung ibang nararanasan natin ay dahil din sa mga pagdedesisyon natin kaya naman tayo rin talaga ang nagpapatakbo nito.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.