Tigyawat sa ilong ni Chris Tsuper

October 28, 2020

Bago ang lahat, support local! Kitang kita naman sa shirt ni Chris Tsuper ang sinaunang paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno, ang baybayin. Bili kayo ng mga ganyang klaseng shirts sa mga nagbebenta ng ganyan online!

At dahil nga isang linggong walang Facebook Live ang Tambalan, tinubuan na ng tigyawat sa ilong si Chris Tsuper. Ang laki ng tigyawat, sentrong-sentro sa ilong.

May palusot naman si Chris Tsuper tungkol doon. Ang tawag daw doon ay “mask-ne.” Acne daw na dulot ng pagsusuot ng face mask. Revelation naman ni Boy Pindot, kaya daw may tigyawat si Chris Tsuper ay mayroon daw itong bet na kandidata sa Aliwan Fiesta Digital Queen.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.