Tigilan ang bashing sabi ng Tambalan

May 14, 2021

Maganda ‘yung naging usapan ng Tambalan ngayon, Kabisyo. Usapang artista at ang mga basher nila.

Bakit nga ba may mga bashers? Simple lang naman eh, dahil inggit sila. Pero kung titingnan, ano bang karapatan ng ibang tao para i-bash ka, o i-judge ka sa mga desisyon mo sa buhay? Lalo na sa mga artista, bakit ba react tayo nang react sa mga choice nila sa buhay? Masyadong fixated ang mga bashers sa daloy ng buhay ng mga artistang ito.

Sabi ng Tambalan: Bakit ba hindi na lang tayo maging positive sa buhay? Hindi COVID positive ha! Tigilan na natin ang bashing dahil hindi natin alam ang journey o pinagdadaanan ng taong iyon kung bakit siya ganyan. Maging matalino tayo sa mga comments. Mas atupagin natin kung paano isasaayos ang sarili nating mga buhay.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.