“Sa Tabi Lang” ni Chris Tsuper

October 9, 2020

Ternong puti ang suot ni Chris Tsuper at Nicole Hyala. Refreshing nga naman kung titingnan.

Pero kapansin-pansin nga sa shirt ni Chris Tsuper na mayroon itong design na jeep at may nakalagay na text na “Sa Tabi Lang.” Mga salita na parang bababa ka sa isang jeep.

Pero may magandang hangarin ‘yung shirt ni Chris Tsuper, mga Kabisyo. Hindi lang siya basta puting shirt. Lahat ng pinagbentahan ng mga ganoong klaseng shirt ay ibinibigay sa mga tsuper ng mga jeep sa Metro Manila na hanggang ngayon ay hindi pa rin makabiyahe at wala pa ring pinagkakakitaan.

Pinangunahan daw ito ng mga grupo ng mga estudyante. Bravo! Mabuhay!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.