Nag-ibang anyo si Chris Tsuper!

July 26, 2021

Katulad ng ipinangako noong nakaraang linggo, mayroong game ang Tambalan kapag araw ng Biyernes sa kanilang Facebook Live. Ito ay ang ‘Bring Me.’

Sina Nicole Hyala at Chris Tsuper ang maglalaro. Si Boy Pindot naman ang game master. Pipili ng isang winner ng PhP 250.00 ang Tambalan sa kung sino ang boboto sa mananalo sa kanila.

Pero kapansin-pansin na sa gitna ng laro ay bigla na lamang nag-iba ng anyo si Chris Tsuper! Mas bumata! Well, hindi siya magic, dahil ang lumabas bigla sa video ay si Pablo!

Sa kabilang banda naman ay lumabas naman sa video ni Nicole Hyala ang makukulit niyang mga chikiting na sina Princess at Prince Claren.

Sabog ang bahay! HAHAHA!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.