Mga na-miss mo dahil sa quarantine

April 26, 2021

Well, halos lahat pala talaga ng bagay ay mayroong anniversary. And biruin mo, Kabisyo, ‘yung ating pagkaka-lockdown ay mahigit isang taon na.

Ano ang mga namimiss mo? Miss mo na bang maging normal? Malamang miss mo na lumabas ng bahay nang walang nakaharang sa mukha. Miss mo na malamang mag-lamyerda. Miss mo na mga ka-opisina mo, kahit hindi naman talaga.

Miss na ng mga senior ‘yung paglabas ng bahay, pupunta sa kumare, mag-e-exercise sa umaga, at marahil pati pamamalengke nang normal, miss na rin nila.

Miss na ng mga manggagawa ang kanilang trabaho. Miss na nila ang magkaroon ng sweldo na pangtustos sa nangangarap nilang pamilya.

Miss mo na. Miss na natin. Ano pa bang ibang namimiss mo, Kabisyo? Ano pa man ‘yan, well kailangan pa ring mag-ingat at magdasal na matapos na ang lahat ng ito.

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.