Magulong bahay? May pa-Bring Me ang Tambalan!

July 22, 2021

Naging simula ng usapan nina Nicole Hyala at Chris Tsuper ang isang magulong bahay. Magulo ba bahay niyo, Kabisyo? Sign daw ‘yan ng blessing.

Bakit blessing? Dahil ibig sabihin daw nito ay may mga buhay na tao sa loob ng bahay. Ibig sabihin din daw nito ay may makukulit na bata sa bahay. Sila rin ay nagbibigay buhay sa bahay.

At dahil blessing ang magulong bahay, may pa-blessing din ang Tambalan! May ‘Online Bring Me’ sila na game kada Biyernes sa kanilang Facebook Live. Silang dalawa rin naman ang gagalaw para sa Bring Me.

Walang ibang gagawin ang viewers kundi bumoto ng Team Chris or Team Nicole. Pero dapat, may sharer badge ka rin, Kabisyo!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.