Lucky Charms ni Nicole Hyala

October 26, 2020

Isang Lunes ng umaga at inatake na naman ang Tambalan ng napakabagal na internet connection. Naghang si Chris Tsuper, nawala na din si Nicole Hyala.

Habang inaayos ang internet connection, nakita ni Chris Tsuper ang ilang mga lucky charms ni Nicole Hyala sa kanyang background. Mahilig daw sa mga lucky charms ni Nicole Hyala at kanyang asawa kaya marami silang ganoon sa kanilang bahay.

Teorya ni Chris Tsuper, baka daw hinihigop ng mga lucky charm ni Nicole Hyala ang internet connection. Wish ng Tambalan na sana umubra ang mga lucky charm sa pagpapabilis ng kanilang internet connection! Ambagal!!! Baka naman!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.