Kumusta ang Tambalan sa isang taong lockdown

April 29, 2021

Nag-anniversary na nga ang ating community quaratine para nga naman maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas. At matapos ang isang taon, parang bumalik nga naman tayo sa bangungot ng March 2020 dahil naka-quarantine pa rin tayo at mas mahigpit pa.

So, tanong ng Tambalan: Kumusta ka after one year? Nasanay ka na rin ba?

Ang Tambalan, sabi nila, ay nasanay na rin daw sila sa remote set up. Pa-online online at hindi mo nakakausap ‘yung partner mong kasama mo ere. Kumusta naman ‘yung ganun ‘di ba?

Ikaw, Kabisyo? Ano na ‘yung mga naging adjustments mo? Nakapag-apply ka na rin siguro ng trabaho online? Naka-attend ka na rin siguro ng meeting sa Zoom? How’s the experience after a year? Share mo naman!

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.