Kaliwa’t kanang paniniwala ng Tambalan

July 22, 2021

Hey Kabisyo! Maganda ang naging kwentuhan ng Tambalan sa kanilang Facebook Live ngayon ah. Sa sobrang tagal nilang nawala ay napasarap sila ng kwentuhan.

Ang naging topic ng Tambalan ay ang mga luma at mga bagong mga paniniwala. Napagkumpara lang naman ng Tambalan ‘yung mga nakakalurkei na paniniwala noon, lalong lalo na ‘yung mga habilin ng lola mo sa’yo.

Ilan sa mga nakakalurkei na sharing ni Nicole Hyala ay ‘yung benefit ng wiwi at ng unang period. Ang unang wiwi daw sa umaga ay sagot sa iyong pasma sa kamay at paa. ‘Yun naman daw unang period or ‘yung regla ng mga girls, sagot naman daw ito sa pimples sa mukha. Keri mo yon?

Pero may mga beneficial din naman mga DIY ang mga lolo’t lola natin noon, isa na siguro diyan ay ‘yung pagpapainom ng katas ng oregano sa isang mayroong ubo. Ginagawa ito lalo na kapag wala tayong pambili ng gamot.

Ikaw, anong kwento mo noong kabataan mo? Ano’ng ginawa mo diyan sa mga ‘yan?

Comments

We use cookies to ensure you get the best experience on LoveRadio.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.